https://www.philhealth.gov.ph/yakap/YAKAP_FAQs.pdf
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON PHILHEALTH YAKAP
(As of July 31, 2025)
Questions Response
Ano ang PhilHealth YAKAP? Ang PhilHealth YAKAP ay ang programa ng gobyerno na
naglalayong alagaan ang mga Pilipino para maging malayo
sa sakit.
Sa pamamagitan ng programang ito, babantayan ng mga
YAKAP clinics ang kalusugan ng miyembro upang
mapanatili ang mabuting kalusugan, maagang matuklasan
ang karamdaman, at mabigyan ng nararapat na gamot
upang hindi na lumala at humantong sa pagpapa-ospital.
Ano ang pinagkaiba nito sa
PhilHealth Konsulta?
Ang PhilHealth YAKAP ay ang mas pinalawak at
pinagbuting Konsulta. Layon ni Pangulong Bongbong
Marcos, Jr. sa pamamagitan ng PhilHealth na maibigay sa
miyembro ang kumpletong pangangalagang
pangkalusugan.
Para kanino ang PhilHealth
YAKAP?
Ang PhilHealth YAKAP ay para sa bawat Pilipino. Kailangan
lamang na magparehistro sa mapipiling YAKAP Clinic
upang magamit ang mga libreng benepisyo at serbisyo.
0 Comments